FANDOM


Skull
This content is in tagalog

We need your help to translate it to english.

Dear Diary
DD 13
Episode Information
Directed by Gilbert Roland G. Perez
Rez Cortez

SynopsisEdit

Lahat ay nagkakagulo dahil sa pagkawala ni Rikki. Lubhang nabahala ang grupo, lalo na si Gaying. Nadakip nina Jack si Sylvia (Lara Morena) na tumatanggi sa lahat ng binibintang sa kanya tungkol sa pagiging serial killer niya. Ang hindi nila alam, nasapian na si Carmela ng espirito ng itim na aklat at dala nito ang katawan ni Rikki sa ilog. Si Sylvia naman, sa isang imbestigasyon, nag-iba ang boses na parang sinapian.

Pinaghahanap na ng lahat ang diary ni Rikki dahil baka may maitulong ito sa kaso. Si Carmela (na possessed) naman, para di mapunta sa iba ang lihim ng itim na aklat. Pero na kay Rona pala ang itim na aklat. Nang sindihan niya ang isang pahina para sunugin ang aklat, pumasok ang usok sa katawan niya na parang espiritong sumasapi sa kanya. Napigilan niya ang pagsapi pero napagtagpi-tagpi nina Rona ang lahat. Ang kaniyang pananalita ay katulad ng sinabi ni Sylvia. Naisipan ni Rona na humingi ng tulong kay Padre Damian (Pen Medina)-isang paring dating exorcist na ngayon ay naka-confine sa isang mental institution. Pumayag si Padre Damian na isalin ang mga nakasulat sa diary ni Rikki.

Samantala, nakausap ni Carmela (possessed) si Sylvia. Pinagtapat nito ang lahat ng balak nito kung bakit niya ginamit si Sylvia upang pumatay. Sa bandang huli, nabalitaan sa ospital na nagtangkang tumakas si Sylvia. Nakapatay siya ng isang nurse pero napatay din siya. Sinimulan na ni Padre Damian ang pagsalin ng nilalaman ng diary ni Rikki.

GalleryEdit

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.