FANDOM


Skull
This content is in tagalog

We need your help to translate it to english.

Please Don't Axe Me
Please Don't Axe Me 4
Episode Information
Directed by Rez Cortez

SynopsisEdit

Nag-uusap ang dalawang babae sa isang banyo nang may marinig silang ungol ng isang babae. Sinilip nila ang bawat cubicle hanggang sa may makita silang bangkay ng babae sa isa sa mga cubicles. Dala ng takot, lumabas ang dalawa sa banyo upang mag-report. Paglabas nila, may isang babaeng naka-itim, na nakatayo sa kubeta, ang lumabas sa katabing cubicle.

Inimbestigahan nina Jack, Rona at Sylvia (Lara Morena) ang kaso subalit wala na ang bangkay. Ang tanging naiwan na lamang ay ang footprints na gawa ng killer. Ang hinala ni Rona ay isa itong lalaki, 25-30 years old at hindi agad-agad na paghihinalaan. 

Samantala, kausap ni Carmela ang isang doktor. Hindi makapaniwala ang doktor sa muling pagkabuhay ni Carmela. Balita ng doktor na madami ang nagtatanong kung paano ito nangyari subalit wala siyang naisagot. Ang payo na lamang ni Carmela ay sabihan ang lahat na panandaliang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.

Nang umalis ang doktor, dumating si Rikki. Nais makita ni Carmela ang diary ni Rikki (ang itim na aklat). Gusto niyang malaman kung saan galing ang kapangyarihan at kung paano siya nabuhay. Ayaw ni Rikki dahil alam naman niya kung paano gamitin ang kanyang kapangyarihan.

Lumabas si Rikki at sinalubong siya ni Rona. Nais niyang kausapin ito tungkol sa kanya. Ayon kay Rona, simula nang magkaroon siya ng kapangyarihan, nagbago na siya. Lagi na siyang mag-isa, lagi na siyang tahimik at iba na siya kung sumagot. Dagdag niya, masamang epekto ito ng kapangyarihan subalit ayaw maniwala ni Rikki.

Dumating naman si Jack na may balitang may pinatay na naman na babae. Katulad ng naunang biktima, nawala din ang katawan ng biktima at dugo na lamang ang naiwan.

Inilabas ni Rikki ang diary/itim na aklat at nagbasa ngunit wala siyang maintindihan/mabasa. Habang nag-iisip siya, ginulat siya nina Yoyong, Jeremy at Marco at ikinainis ni Rikki.

Sa station naman, pumasok ng banyo si Sylvia. Pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya. Sa kanyang pagdududa, muntik na niyang barilin si Rona at bigla namang pumasok sa banyo. Tinatawag lamang siya ni Rona dahil pinapatawag siya ni Jack. Sa paglabas naman nila, isang lalaki ang dahan-dahang pumasok sa banyo at tiningnan ang dalawa habang papalabas ang mga ito.

Sa bahay, pinag-uusapan ng lahat si Rikki. Napansin na nila ang pagbabago sa personalidad ni Rikki at nag-iisip ng paraan kung paano ito tutugonan. Hindi na ito lumalabas sa kanyang kuwarto at palagi na itong nagsusungit kay Joy. Nais nilang kunin ang diary niya dahil nagsimula naman ang kanyang pagbabago nang magkaroon siya ng kapangyarihan mula doon. Subalit hindi sila madadalian dahil ayaw ngang ipahiram ni Rikki ang diary. Ang sinabi na lamang ni Rona ay siya na ang bahala tungkol kay Rikki.

Gabi na at papunta na si Sylvia sa kanyang sasakyan nang salubungin siya nang lalaking nagpakita sa banyo. Nasugatan siya subalit nagawa niyang protektahan ang sarili sa pag-atake ng lalaki. Dumating sina Jack at ang hinala nito na ang lalaki ang pumapatay. Si Rona naman, hindi mapakali dahil ayon kay Sylvia, isang balisong ang gamit nito. Hindi naniniwala si Rona na nahuli na ang killer. Sa mga naunang biktima, ang mga braso ay halos maputol na at naniniwala siyang hindi balisong ang murder weapon. Iniwan nina Jack si Rona upang kumuha ng kape. Agad namang nagpakita ang lalaki at parang may gustong iparating kay Rona. Kukuha sana ito ng papel at panulat dahil pipi ito subalit binaril siya ni Sylvia.

Si Carmela naman (nasapian), ipinakitang nakahiga sa sahig at pinapaligiran ng mga kandila. Bumangon ito at nagsagawa ng isang orasyon. Nagpakita naman ang kaluluwa ni Carmela sa espiritong sumasapi sa kanya. Agad namang nawala ang kaluluwa nito nang hagisan siya ng isang bola ng apoy.

Hinahanap ni Rikki ang kanyang diary sa kwarto ni Carmela. Nakita siya nina Gaying at Joy at tinanong siya kung ano ang ginagawa nito sa kwarto ni Carmela. Nagpaliwanag siya at hinanap si Carmela. Umalis daw ito, ayon kay Gaying.

Sunod na ipinakita si Carmela sa isang madalim na lugar. Lumulutang ang katawan nito sa ere at kasabay naman nito ang biglaang pagsakit ng ulo ni Sylvia. Nang idilat ni Carmela ang kanyang mata, nag-iba naman ang mata ni Sylvia na parang sinapian din. Inatake nito si Rona, na naiwang mag-isa sa prisinto. Nagawa niyang sumigaw ng saklolo at dumating sina Jack upang barilin si Sylvia.

Nasa bahay na muli si Carmela (na sinapian muli) at muli na naman siyang pinapaligiran ng mga kandial. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.

Hinuli na si Sylvia at kinakausap siya nina Rona. Napag-alaman nilang walang laman ang record ni Sylvia. Bigla namang nagbago ang boses ni Sylvia.

Lumabas si Rikki ng bahay at may sumusunod sa kanyang tao. Nakita siya ni Rikki at tumakbo subalit na-corner. Tinaga siya ng tatlong beses gamit ang isang palakol. Ipapakita ang pigura ng umatake kay Rikki at makikitang si Carmela ito.



GalleryEdit

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.